WELCOME...
WELCOME...ako na ang babati sa sarili ko sa aking pagbabalik bilang isang BLAGISTA dito sa panibago kong TAMBAYAN.
AKO si Mr. ALBEAN EINSTEIN. Malamang hindi ko tunay na pangalan yan dahil walang pa akong nanay na kilala ang nakapangasawa ng EINSTEIN na apelyido. Pero 'yan ang itatawag ko sa sarili ko dito sa tambayang ito - ang ULTRAELECTROMAGNETIC BLOG of MR. ALBEAN EINSTEIN.
Ako ay fani ni Mr. BEAN. Hanga kasi ako sa kung papaano niya binibigyan ng komplikadong solusyon ang mga bagay na madaling gawan ng paraan sa mata nating mga normal na tao. Hidi ko sinasabing ABNORMAL si IDOL pero hanga lang talaga ako sa kaniyang pagiging MAPARAAN. At take note, hindi KATANGAHAN ang ginagawa niya.
Isa rin si ALBERT EINSTEIN sa mga taong pwede siguro nating kainggitan dahil sa UTAK niya - I mean talino. Pero sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko naman talaga alam kung ano ba talaga ang kinalaman ng E=MC2 niya sa pang araw-araw nating buhay at kung bakit kailangan maging laman ito ng librong PHYSICS noong HAYSKUL ako. Ang alam ko lang eh titulo yan ng bagong album ni Mariah Carrey. hehe =)
Sa dalawang taong ito ko binigyan buhay ang blog na ito.
Ang blog na ito ay magiging tungkol sa aking sariling OBSERBASYON tungkol sa mga bagay sa ating paligid. Gusto kong pagtuunan ng pansin ang tungkol sa buhay ng mga kabataan, estudyante at mamamayang ibat iba ang estilo o diskarte na ginagamit sa araw-araw na ginawa ng DIYOS upang mabuhay.
Hindi lamang mga letra ang aking ilalagay dito ngunit sa mga susunod na panahon ay samahan niyo ako na tuklasin ang ibat ibang larawan ng pagka-PILIPINO. Ito ang BLOG na sasalamin hindi sa MAGANDA ngunit sa kung ano ang TOTOO. Ang blog na ito ay BLOG ng REALIDAD. BLOG ng KATOTOHANAN.






